Walang Bong Revilla. Wala rin si Manny Pacquiao. Wala rin si Philip Salvador at Jimmy Bondoc. At kapansin-pansin na wala rin si Mocha Uson at ang host na si Willie Revillame.
Does that mean na unti-unti nang umeepekto ang voter's education campaign natin? I will not take credit for that of course. Pasalamat tayo dahil kung wala ang mga Milleneals at Gen Z age brackets ... kung wala sila malamang bumalik na naman tayo sa dating gawi.
Although nanghihinayang din ang marami sa pagkatalo ng Wowowin host.. Nagtataka sila na nanghuhula kung anong tulong yong ibibigay sa atin. After the much ballyhooed interview ni Gretchen Ho why Revillame refused to answer why he tried his luck in politics ... a part of us ay naiintriga.
Sasabihin ba naman na: "Iboto ninyo muna ako ... at pag nanalo ako doon natin pagusapan kung ano ang gagawin kong pagtulong sa inyo?" Bagong gimmick yon ha
Actually binago ni Kuya Will ang kalakaran sa politics. Siya lang ang tanging kandidato na nagfile ng candidacy na walang kaplano-plano. Parang variety show lang ang treatment ... parang Wowowillie.Doon pa lang nakuha na niya ang attention ko.
Ang requirements niya kailangan manalo siya ... at doon pa lang siya magsitdown sa mga constituents niya at yong mga problemang inilatag sa kanya ang kanyang advocacy ... at bigyan priority.
Hindi man lang ba kayo naintriga or nagtataka kung ano ang laman ng help package na yon? Baka ginto yon ... pera na ,,, naging bato pa. Or baka bibigyan ng jacket ang buong kapuloan?
Didn't that arouse your curiosity at hindi man lang ma-decode ang password mabuksan man lang nag mga nakatagong mga pangako? Are you not wondering kung ano nga ba ang mahiwagang plataporma ni Kuya Will sakaling nanalo siya?
Too bad ... ngayong natalo na siya ... mananatiling "lihim" .... top secret ... at classified ... at pwedeng ibaon na lang sa limot ang platapormang yon? I doubt kung maisipan pa niyang magfile ng candidacy ulit sa Senado in the year 2028.
Knowing Kuya Will mataas ang pride niyan, and his first political journey ... will be his last.
No comments:
Post a Comment