Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Wednesday, April 30, 2025

Malinis si Kuya Ipe



As a child, my parents used to tell me, "Anak kapag ikaw ay ready nang bomoto pag ikaw ay malaki na ... pipiliin mo yong kandidatong malinis ang kanyang record ... walang bahid ... spotless and unblemished ,,, squeaky clean baga."

Tinandaan ko iyon. Iyon ang aking unang leksyon na natunan tungkol sa pagpili ng tamang kandidato.  At willing akong dalhin ito hanggang pagtanda kp bilang "core values" (a fundamental belief that will help me guide my actions, decisions and over-all behavior.)

Fast-forward tayo sa 2025 ...  mayroon tayong kandidatong pwedeng ihelera kay Mr. Clean ... si Kuya Philip Salvador. Mukhang obligado akong iboto siya kasi yong isang napakagandang barong na nasa aking cabinet ngayon ay galing sa kanya. 

Binigay niya ito sa kanyang kaibigan sa showbiz at dahil hindi naman ugali ng BFF niya ng magbihis to his teeth ... pinamana na niya sa akin.  Indirectly ... that's the string that attach me to Kuya Ipe ...  isang barong na parang handcuff na nakagapos sa kamay ko.  Ang tawag diyan ay utang na loob.

The other day, inilabas ang advocacy awareness campaign ni Kuya Ipe at kung ano mang leksyon ipinunla ang aking magulang ... just by looking at the image above ... malinis as in malinis talaga ang kanyang record. Para itong airport ... desolate... nakatiwangwang ... at nakabukaka at walang kalaman-laman. 

Kung yong ibang kandidato ay bumubulaga ang kanilang educational attainment at mga accomplishments si Kuya Ipe naman ay tipid o nahihiya kaya? Pwede niyang  ipagmalaki naman ang kanyang Best actor trophies sa Famas in Kapit Sa Patalim ... pero mukhang hindi swak.  

Pwede rin naman niyang isama ang Jaguar at Bona sa kanyang resume at yong pagiging alaga siya ni Lino Brocka pero nag-atubili siya. Even Ipe acknowledged that ... ano naman ang relevance nga mga acting trophies niya ... eh ang inaaply-an niya ngayon ay pagiging senador. Kaya pinili na lang niyang gawing blanko ito.

Kung wala ka man lang makitang nakasulat sa isang resume' ... tanda na ba yon ng kanyang pagiging clean living ay malinis na track record? O wala lang talahgnag maisulat dahil sa totoo lang ... wala naman talaga. Aba tinalo pa niya si Vico Sotto sa pagiging goody-goody (someone who behaves excessively well to please others ... oftentimes misinterpreted as overly insincere at ang kanyang pinapakita ay parang rehearsed or "put-on lang. 

Malaking leksyon ang nagiging number one senator  ni Robin Padilla sa madlang people. He tried hard to belong ... pero the more he does it to please others ... the more BOO-BOO he makes (the boo-boos turning into one big ka-BOBO-han.

Sabi ni Willie Revillame: "“Sabi nga nila wala nga daw akong alam. Tama naman sila lahat eh, wala akong alam na mang-api ng kapwa ko. Wala akong alam na mang-isa ng bawat Pilipino. Wala akong alam na magnakaw,” ani Revillame.

“Ang alam ko lang ay makagawa ng kabutihan sa mga nangangailangan nating kababayan," Pero sapat na ba ang argumento niya para siya ay iboto?

Tanong ni Coco Martin kay Lito Lapid sa kanyang campaign ad: "Sabi nila wala kang ginawa noong ikay nakaupo sa Senado ... anong pinanindigan mo? Sabi nila artista ka lang ... ano ba ang magagawa ng isang action star? Ang sabi nila hindi ka raw nakapagtapos ng iyong pagaaral ... paano mo kami matulungan? ..."

Marami ng mga artista sa senado ... at kung isaisahin mo sila ... more often than not you end up asking yourself  kung ano nga ba ang mga nagawa nilang noteworthy at hindi sila matibag-tibag sa kanilang pwesto?

Magiging sentimental pa ba ako at hindi ko maiwaksi kung sino ang nagbigay nga barong ko ... or tahasang ipikit ko na ang mata ko at sundin ko ang mga kuntil-butil na karunongan na bigay sa akin ng mga parents ko?

Isang malaking katanongan ito ngayong malapit na ang election (judgement day).


No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Political Ironies

BBM was heard saying he has no role in the impeachment of VP Sara. Fiona thinks otherwise. She pointed out that Marcos has consistently made...

Popular Posts