Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, February 10, 2025

The Second Time Is Sweeter


 There is a new weather advisory! PAGASA made an urgent "just in" report that Dia Mate took Santa Cruz Bolivia by storm and was crowned Reina Hispano Americana 2025. After winning more than 70 titles last year ... is the Philippines gearing up for a three-peat back-to-back of the same accomplishments?

This is also the second win of the Philippines in this pageant ... where Latin beauties reign supreme. That is after the historic moon landing of Win-Win Marquez in 2017 where first time pa lang nagjoin sa patimpalak ang Pinas ... panalo na?

Reina Hispano-Americana has existed since 1991 ... aba 34 years na yan at wala man lang Pinoy ang nag-attempt na e-elevate yan as Alpha pageant?  Ang kupad natin! E ngayong nakadalawa na tayong korona ... mag- martsa na ba tayong lahat na parang mga Iglesia Ni Cristo at gawin nating Big Six kasama na ang Reina Hispano-Americana?

E yong Miss Cosmo at Miss Charm first and second year pa lang nila ,,,, at dahil mga kapitbahay natin ang nanalo doon ... aba pinutakte ng mga rabid fans ang social media (na uhaw sa trophy at korona) na ito na raw ang magpataob ng Miss Universe at Miss Earth.

Ang yabang nga naman ... konting lakas lang ng loob ... puede na silang magimbento ng fake news para maisakatuparan nila ang kanilang maiitim na balak na iismolin lang ang more than 70 titles last year tapos ipamukha sa atin na naabutan na nila ang stature ng Pilipinas? 

Walang pumipigil na hindi sila mag-yabang sa mga bagong achievements nila ... karapatan nila yon. Pero dapat ilagay ang mga balita at report sa tamang context at huwag nang mag-exagerrate at manggamit ng ibang countries at maliitin ang mga panalo nila ... para isulong lang ang kanilang sinimulan ... kahit magmistula na silang trying hard at desperado?

Saan ka ba makakita na first year pa lang ng Miss Cosmo ... lasing na ang unang nanalo doon sa pag-hype ay paghabi ng kasinungalingan ... na naipanganak na raw ang  pageant that will make beteranong contest na time-tested na .... bite the dust. Sa kanila ang longevity ay hindi basehan.

Ang Miss Charm naman ... second year pa lang nagkaletse-letse na kung saan at kailan gawin ang kanilang second installment. Paano kung mangyari din yan sa Miss Cosmo na bata pa ang may-ari at nagmistulang alalay na lang siya sa pagescort sa kanilang winner. Wala ba siyang magawa sa oras niya at panahon at mas gusto pa niyang mag-country hopping kasama ng kanyang winner? Bata pa yan Anytime pwede magbago ang isip niyan ... pati ang kanyang priorities lalo na sa pera.

At saan ka ba nakakita na nakatsamba ka lang ng minor pageants ... nagbuhat ka na ng sariling banko at powerhouse country na daw sila? Agad-agad? At ang lakas kumantiyaw ha.  Paniwalang-paniwala sa kanilang kasinungalingan.

Saan ka ba makakita na sa history ng Miss Supranational ... kung ikumpara mo daw ang mga "face value " ng mga past winners mula ng ito ay magumpisa ... sino daw ang pinakaganda? Sino pa ba ang asahan mong panalo para sa pa-survey nila? E di tong kandidata nila! How transparent.

Mabuti na lang ang mga Pinoy bihira ang ganyang mentality. Reina Hispano Americana deserve the recognition they need dahil sa tagal na ng panahon at buhay pa sila ... pero hindi dahil nanalo ka lang ng korona sa kanila ... you will make a fool of yourself para utuin sila. 

They don't need that kind of buttering or greasing. Mga matatalino at professional sila.

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Placements Galore

Four out of four in two days ... Philippines maintains its hold as a powerhouse country in the world as far as pageantry is concerned. It ha...

Popular Posts