Isang local DDS ang naringgan after the impeachment of Inday Sara.
E ano ngayon? Na-IMPEACH pa lang ... hindi pa na-CONVICT. Na-IMPEACH palang ng House of Representatives ... pero hindi pa na-COBVICT ng Senate.
Aba eh... naghihintay pala ng milagro sa Senado?
**************
Medyo confident ang isang ito.
"Aba oo naman ... gusto mo bang mag-name names ako?" hamon niya. Ayaw man patulan ng kaibigan ko dahil ayaw niya to put some senators on the spot ... pero mapilit siya ... kaya tinaggap niya ang hamon.
At nagumpisa na siyang nag-namedrop. Mukhang updated nga ang DDS na ito at buong giting pa niyang sinabi ang dalawang pangalan ng magkapatid sa politika, magkapatid na taga showbiz, tatlong lalaking artista, isang mag-ina, kapatid ng presidente, 3 alalay ng dating presidente.
****************
Aba eh ... kung totoo pala ang sinabi niya ... hindi na pala sagrado ang impeachment process? Puede pala magawan ng paraan gamit ang koneksyon ... pagkakaibigan at utang na loob?
Kung sa Congreso dangal na at pangalan ang itinaya nila ... sa Senado pala pinaglaruan (?) lang nila?
And acquittal or conviction pala ng isang akusado at maisagawa at maipagkatuparan kung marami kang kaibigan sa senado? At dahil sa pareho kayo ng interest ... at hindi na sila makinig sa mga "resibo" at mga factual events at pangyayari? Wala na ba silang dignidad at pwede nilang gawaran ng NOT GUILTY verdict and isang GUILTY?
****************
Impeachment will be an exercise in futility then if that is the case. It is pointless and not worth doing.
If Congress has been putting a lot of effort into this ... tapos pagdating sa Senate ... it will fall on deaf ears ... gaganahan ka pa ba?
It is too bad na marami na ang senador ang naringgan ng kanilang position. Hindi pa nag-umpisa ang trial ... inosenti na at Santa ang trato nila. Sarado na ang tenga at pagiisip.
******************
Hindi ko ma-blame ang ibang kolumnista at vloggers who paint a different hue sa almost kalahati sa komposisyon ng senado.
Nag-diyos-diyosan ba sila at mas gusto pa nilang malugmok ang Pilipinas sa kamay ng mga taong wala namang pagmamahal sa naghihingalong Pinoy?
May mga iba nga who asked: Senador nga ba sila ng bayan? O mga senador sila ng mga nagdaang rehimen?
*******************
Hindi daw magattend ng Impeachment si Inday Sara. "Ayaw daw niyang ma-INTIMIDATE ang mga prosecutors at mga senators.
Talaga lang. Nakaintimidate ba siya ... or umiiwas siya sa kahihiyan at mahubdan na ang katotohanan? Kung aattend siya siguradong ipasagot sa kanya ang mga tanong na iniiwasan niyang sagotin ... noon pa man?
Sa totoo lang ... natatakot SILA ... or natatakot ka?
*****************
In the same press conference ,,, Inday Sara continued to deny na meron siyang threat to kill the president, the first lady, and the speaker.
I did not have any assassination threat to the President ... sila lang ang nagsasabi niyan. Sila lang nagsasabi ng assassination ,,, sila lang ang nagsasabi na may assasin ,,, at gun man,"
A chip of an old block ... a mini-me! Biro ng isang kolunista"May pinagmanahan talaga."
No comments:
Post a Comment