Pahgkatapos ng CHRISTMAS ... said at ubos na ang KUARTA.
Pagdating ng NEW YEAR ... as expected ... balik tayo sa TINAPA.
***************
Ang first na limang (5) emojis na ginamit mo sa iyong social media account will predict kung matutupad ang inyong mga New Year resolutions.
See accompanying emojis.
******************
Ayaw ko na sanang MAGALIT.
Sa ingay na ginawa noong New Year ... nasampolan ko kung hanggang saan talaga ang PASENSIYA ko.
****************
New Year resolution ko rin sana ang mag-DIET.
Putsa sa sarap magluto ng nanay ... first day of 2025 ... alanganin na. Ang isang sertosong PANGAKO ... ay unti-unti nang NAPAPAKO.
****************
Isa rin sa mga NY resolution ko ay MAG-IPON. I-postpone ko na lang yan sa 2026.
Paano ka ba naman maka-TIPID ... malapit na mag-alas dose ... natukso pa akong bumili ng lechon?
****************
Ang kaibigan ko ang New Year wish ... ay mabuting KALUSUGAN.
Habang pumutok ang mga kuwitis sa kalangitan buong ningning pang nag-toast pa siya sabay sindi ng sigarilyo at lagok ng alak ... at nag-usal na: "Here's to our good HEALTH.
***************
Isang malapit sa akin ... ngayon lang niya narealize na lubog na siya sa utang. Hindi niya pala alam na ang PANGHIRAM pala ng pera ... ay PANGUNGUTANG.
Rude awakening. The more you FIND yourself ... the more you LOSE your sanity!
****************
Next year sa 2026 na ako magbabagong anyo ... sabi ng kapitbahay ko.
Sino ang niloloko mo? Kung AYAW talaga magbago ... (dahil enjoy ka sa lumang ikaw) maraming DAHILAN.
*****************
Ang hina naman ng neighbor ko ... kailangan pang hintayin ang New Year para magbago? Imagine maghintay ka ulit ng another 365 day cycle?
Ako kahit BUKAS puwede. Kung GUSTO ko... magagawaan ko ng PARAAN.
*****************
Ang mother namin ay VEGETARIAN. Wala kaming gastos noong New Year ... paano lahat gulay.
Ang mother naman ng cousin ko ay BUDGETARIAN. Ayaw magcelebrate ng New Year ng January 1. Ang New Year daw nila can be celebrated anytime. Pag mura na raw at 50 percent off na ang ham at baboy ... mag New Year kami.
*****************
Girl 1: Please lang huwag ninyo akong KULITIN.
Girl 2: Bakit naman?
Girl 1: Kapag ako ay KINUKULIT ako ay NAGAGALIT.
Girl 2: E di magalit ka.
Girl 1: Gusto ko nang magbago ... New Year pangako ko yan.
******************
News Flash ... may magandang balita.
Twelve (12) months na lang 2026 na. Yong mga new year resolutions ninyo ... totohanin na.
No comments:
Post a Comment