#And the Winner Is ... showing pa rin in more than 232 cinemas nationwide. Yong Green Bones naman showing sa 54 cinemas (110 na raw as of this writing). Intriga dito yong sinabi ni Dennis Trillo questioning kung may ABS- CBN pa ba? Ngayon ganti ng mga fans na pasaring - May Dennis Trillo pa ba?
#Green Bones star Dennis Trillo denies any involvement in a viral comment "May ABS CBN pa ba?" Whether true or not ang palusot niya " may gumagawa lang ng intriga sa kanya: ... and this happened at the time when his cellphone was hacked.
#Sa mga fans daw "Huwag daw maging praning kung yong ibang fans post ng post at pinagmalaki pa ang dami ng sinihan na pinalabasan ng mga pelikula ng mga idol nila. Depensa nila: Hindi namin kasalanan kung limited ang mga sinihan na binibigay sa kanila .... at patuloy pang binabawasan araw-araw".
#One reporter complained about why Zig Dulay did not win the Best Director award. "Nanalong Best Picture ang Green Bones ... pero hindi ang direktor nito? Paano kayo nasarapan sa karekare ... pero ang nagluto ng kaldereta ang pinuri ninyo?
#On the awards night ... fans were making a big fuss about the reaction of Sue Ramirez and Christine Reyes when Ruru Madrid was announced as Best Supporting Actor. Huwag na raw pabalikin si Christine Reyes sa GMA dahil wala man lang loyalty sa company that made her.
#Cristine Reyes supporters quickly destroy the narrative: Bakit taga ABS CBN ba si Christine ... hindi naman ah. The fans accused that the two were rooting for Sid Lucero nominated in Topakk and The Kingdom. The fans fored back: Bakit hindi ba taga GMA si Sid? Has he made more soap in GMA than ABS?
#The fans didn't mind Meme losing to Dennis Trillo in the Best Actor derby. "Sa kanila na ang mga awards ... mas gusto namin ang Top Grosser award. Bakit maipang-grocery mo ba ang mga trophy?" sarkastiko nilang sagot.
#Kung naka-back-to-back ang GMA ng Best Picture awards ... hindi magpatalo ang mga fans at-back-to-back-to-back-to-back din daw ang ABS CBN sa Top Grosser award. Punch line nila "may tatak imprimatur na yata na pag gawa nang ABS CBN Top Grosser ito?
#May resibo daw sila sa kanilang claim at ito ang long list of films na tumabo talaga sa takilya making them number 1 sa kita: And The Winner Is, Rewind, Fantastica, The Avengers, Parental Guidance, Beauty and The Beastie, Praybeyt Benjamin, Girl Boy Bakla Tomboy, Sisterakas, Feng Shui atbp.
#Sagot naman ng fans sa kabilang kampo - hindi kikita ang Rewind kung hindi hiniram ng Star Cinema ang Dong-Yan. Akala mo ba palampasin ng mga fans ang pasaring na ito: "Oo kikita ang Dong-Yan ... pero hindi aabot ng bilyon ito kung hindi tatak ABS. Next year subukan nga ng GMA ang gumawa ng pelikula eyeing the number 1 spot.
#May award ka pero hindi mo alam ang ibig sabihin? Yong ang mga nangyari sa mga special citations that was awarded to VG, Topakk at Himala. At least kay Meme naitanong niya kaya abot tenga ang ngiti at sinabi nilang para sa performace yon. Yong sa Himala ba ... ang citation ba ay tungkol sa acting or singing ... eh musical yon? At yong sa Topakk naman ... citation ba ito na palaging masama ang timpla ni Arjo Atayde ... may toyo ... at may topak?
#Tagos to the bulalo ang punchline ng Green Bones: "IKUKULONG ka sa iyong NAKARAAN ... PALALAYAIN ka ng KATOTOHANAN. Hanep! Kung sino man ang nakaisip niyan ... knows how to fashion WORDS into LINES ... and LINES into RHYMES.
#Uninvited is the only entry this year na nabokya sa awards. They were totally SNUBBED to think that Vilma, Aga and Nadine were acting giants. May pagka-NEGA kasi ang title na UNINVITED ... hindi ka na nga inimbita (uninvited)... nang-gatecrash pa sila (no pun intended?)
#Totally snubbed din daw and SB19 at hindi daw pinansin ng MIFF ang Nyebe (original soundtrack sa Green Bones ) at Mapa (original soundtrack sa And The Winner Is. Ang totoo daw diyan hindi daw qualified yong mga kanta nila dahil daw hindi ito intended para magiging theme song. FYI, the original soundtrack is definitely not the movie's theme song.
#Sa mall sa mga probinsya lahat ng entrees ang admission price ay hindi lumalampas sa P350 more or less. Pero ang Green Bones lumampas ng tumaginting na P550. Does it mean hindi pa nito nakuha ang mumber 5 sa ranking kung hindi ginawang mahal ang ticket price?
#Some people were asking kung nainsulto ba ni Meme ang pamunuan ng MIFF dahil inusisa niya kung para saan yong award niya? Aba kasalanan nila yon ... they should know better. Dapat ang tanong is: Nainsulto ba ng MIFF si VG at iba pang artista sa mga awards nila?
#Malaking mortal sin daw ang pagappoint ng award presenter na may nominadong mga pelikula din. Ang pinatamaan dito ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin. Dapat SOP ito sa MIFF dahil may mga precedence na ... na may mga presenters na nagbabasa ng maling winners like the infamous 1994 Manila Film Festival incident na muntik nang nauwi sa demandahan.
No comments:
Post a Comment