What is toxic ... and what is not? Toxic is toksik - venomous. poisonous, destructive, and dangerous. Kailan ba naging toxic ang isang culture ... at kailan ito hindi? Meron bang yardstick to measure na ang isang trait or attitude ay toxic ... or isa lang itong guniguni na ginagamit ng tao dahil feeling niya ay agrabiyado siya sa sitwasyon?
Bakit Filipino lang palagi ang reklamo ng reklamo ng mga ugaling ating nakagisnan ... I still have to hear an American or a British complaining about theirs.
Hindi kaya yong Filipino Culture ay hindi naman TOXIC ... kundi yong mga taong nagiisip na TOXIC ang siyang TOXIC? You know marami sa atin ang mararamdamin, pikon, walang pasensiya, at ang hilig talaga magreklamo.
Let us examine these cultures one by one. Toxic nga ba o hindi ... at baka may nagover-react lang? Basta tandaan natin huwag tayong maapanghusga. Weigh the situations carefully ... kung sa tingin natin ay toxic nga ... iiwasan nating gawin din ito sa iba para hindi tayo makapagperwisyo.
MEANING: The Manana habit stems from the Spanish word manana, which means tomorrow. Ibig sabihin may ugaling Pinoy tayo if we postpone tasks for later ... which somebody sarcastically termed procrastination.
We tend to put off what is originally planned TODAY and have everything in full motion ... Tomorrow. In Tagalog ... it is like saying "Mamaya na ...: or "Saka na ..." kesyo manood muna ng PBA finals ... kesyo matulog muna ... at sumasakit ang ulo ... or kesyo ... he needs a break pronto ... at marami pang kesyo.
Manana habit encourages procrastination ... cramming at failure to do the task on time. Familiar ba sa inyo ang mga word na jamming ... overloading ... crowding ... jam-packing?
Ang theme song nila ay "May Bukas Pa".
Ano mga tol ... toxic nga ba? Sa ganang akin ... kung naka-apekto ito sa productivity mo at sa trabaho mo ... at sa performance mo at magandang record mo ... bigyan mo ito ng pansin.
And just to be fair ... may magandang balita ding dala ang manana habit. For one it emphasizes mindful prioritization of tasks based on their value, gravity, and urgency. Secondly ... putting off the work for later ... can give you a first-class look at what time management should be.
It also gives you the window to refresh yourself and your mind ... at huwag na lang yong subsob kalabaw ka at trabaho na lang ng trabaho.
No comments:
Post a Comment