I just want to react to this post.
Pagkatapos tayong purgahin ng mga scoop at inside stories sa YouTube regarding the OVP budget hearings ... and then binondat tayo ng blow by blow account sa pag-ALICE ni Alice Guo ... tapos sa West Philippine Sea ginawa na yatang panata ng mga tsekwa ang mambomba ... pagbukas mo ng computer si Cassandra Li Ong at Pastor Quiboloy naman ang paboritong pulutan. Wait humahabol pa si Harry Roque. Ad nauseam.
And if that is not enough ... nakakarindi na rin ang mga mga poltical memes sa anumang social media platform ... bulag na lang at bingi ang walang ALAM at walang paki-ALAM.
Kung wala kang reaction at chill ka pa rin and you don't care how government squanders and misuse the people's money ... if you are reacting matter-of-factly sa pag-island hopping ni Alice at Cassandra in their way to freedom ... and if you are emotionally ambivalent ... na instead of supporting the police in their quest to dredge up the fugitive ... you give them a thumbs down ... something is really wrong. IN YOU! At tama si Lex Francisco.
Pakicheck mo lang ang sarili mo ... dahil baka parte ka na ng problema - lalo na kung patuloy mong binoboto ng mga kandidato na parang hindi nagiisip.
Ang pagboto ay isang sagradong bagay. Habang yong matinong botante ay sinasala kung sino ang nararapat mamuno sa bayan ... ikaw naman naman nilalaro mo lang na para kang nakipag-jack en poy.
Kailan ka ba magigising sa katotohanan ... na isa ka sa mga dahilan kung bakit may mga senador na ginawa na lang nilang tambayan ang senado ... Ilang barko pa ba natin ang kailangang mabangga at mabutas ... pero dedma at wala kang marinig na sign of protest sa kanila.
Binoto mo sila di ba ... so okey lang ba sa iyo na pro-Tsekwa sila at hindi pro-Filipino? Ini-luklok natin sila sa pedestal ... and it is an abnormality na kampi sila sa kalaban ... at ang tingin sa iyo ay insignificant ... walang karapatan ... or worst para ka lang isang "MIRON" - walang value ... at hindi importante.
No comments:
Post a Comment