Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, January 1, 2024

Reprinted


BAGONG TAON BAGONG PAG-ASA

Isang taon na naman ang lumipas
Isang taong puno ng misteryo ng buhay
May saya,lungkot,pighati,katuwaan
Mga taong dumaan at umalis sa buhay mo
Mga desisyong pinagsisihan
Mga bagay na gustong maulit
Pero ang mahalaga
Sa bawat karanasan may aral na maiiwan
Kung anuman ang pinagdaanan natin sa nakalipas na taon
sana maging gabay natin ito
May mga bagay na dapat natin alalahanin
at mayroon din dapat ng limutin
Harapin natin na may ngiti
at puno ng pag-asa ang darating na taon
Sa pag umpisa ng taon
Panibagong pag-asa
Panibagong buhay
Madami kang gustong gawin
Mga bagay na gustong itama
Mga ugaling gustong baguhin
Mga pangarap na gustong abutin
Minsan naisip ko
Ano nga kaya ang pwedeng
mangyari ngayon taon?
Ano kayang bagay ang magpapasaya
at mag papaluha sa atin?
Sino nga ba ang nakakaalam?
Sino nga ba ang makakapagsabi kung ano
ang dala sa atin ng bagong taon?
Pero kung anuman ang dala ng bagong taon sa atin
Kung anuman ang pwedeng mangyari
Sana huwag mong kakalimutan
na laging humingi ng gabay sa ating panginoon
Mahiwaga lang talaga ang buhay
Minsan kahit nakaplano na ito
Sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat
Sa buhay natin minsan lang
dadaan ang pagkakataon
May mga bagay na kahit gusto mong
ulitin hindi na pwede
Kaya sa bawat araw gawin mong makabuluhan
At masaya ang buhay mo
Huwag mong hayaan matali ka sa nakaraan
Lagi mong iisip na sa bawat araw
May bagong pag-asa
Kaya sa bagong taon harapin mo ito
ng maysaya at ngiti
Kung hindi mo man nakamit noong nakaraan taon
ang mga pangarap mo baka ngayon taon na
Basta huwag ka lang susuko
Sabi nga nila
“ The winners never quit
And the quitters never win”...

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • 3825

    Posts
  • 0

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Second Quarterly Report

                                                     Dia Mate - Miss Hispano Americana 2025 The New Year has just begun... but look at that....

Popular Posts