One good thing about the T-eddy, V-hong and J-ugs Magpasikat segment ... that relive the old glory of former comedians who are no longer with us and have passed away ... it is the sad review and commentary about doing comedy NOW and doing comedy BEFORE. The exchange of observations was between host Vice Ganda and Judge Tirso Cruz III.
Vice: Mahirap ang magpatawa ngayon. Minsan kung nanonood ako ng mga lumang comedy ... sasabihin ko nakakatawa yan no? Paano kung sasabihin ko yan ngayon ... anong mangyari sa akin? Ang sarap magpasaya ng mga Pilipino, pero lately ang hirap nilang patawanin. Konting komedya mo ... kapalit noon ang mga pangit na reaction. Talagang maba-bash ka.
(Tirso Cruz III came from out of the blue and supported Vice position)
Tirso Cruz III: Ang hirap magpaliwanag Vice ano?
Vice Ganda: Ang hirap magpaliwanag ngayon. Kahit ang mga bagay na hindi mo dapat ipaliwanag ... ay dapat nang ipaliwanag ngayon.
Tirso Cruz III; Paikliin ko na ang problema mo. Madaming bawal sa mga komedyante ... maraming bawal ngayon. Yon ang problema kaya mahirap magpatawa ngayon. Kahit marami kang material ... may taong magbabawal sa material na ginagamit mo. Maganda sana ang idea pero pag ginamit mo ... may magbabash sa iyo. Ang gusto lang naman natin ay mapaligaya ang mga Pilipino ... makakasama pa pala tayo.
Vice Ganda: Maraming bawal ... marami kasing pinaniwalaan ng mga tao.Kaya kung minsan hindi mo na alam kung ano ang pwede at hindi. Minsan wala ka nang ginagawa pero mali pa rin.
Parinig ba ito kay Chairman? Too much ado about nothing right Board of Censors?
No comments:
Post a Comment