Netizen's Comment: Kung meron kang opinyon, do you expect others na tanggapin nila ito ng buong-buo at walang reklamo?
Response: Okay lang naman magbigay ng opinyon e. Okay lang din magtake ng stand. Pero bakit kelangan ipilit na maging opinyon din ng iba yong sarili nating opinyon. Bakit kailangan nating ipagpilitan sa iba yung pananaw natin na hindi niya pananaw. Alam ninyo ba na yong ibang tao hindi nasarapan sa karekare at crispy pata? kasi hindi tayo pareparehas ng panlasa. Sa buhay, ibaiba talaga din tayo minsan ng gusto. Mga jowa nga at asawa natin hindi magkamukha e. Kasi magkaiba ang taste natin. So ayun na nga. Bakit kapag magkaiba kayo ng ideolohiya, bakit mo siya kelangang tawaging bobo? Bakit ikaw ‘yung matalino at siya ‘yung tanga? Hindi ba pwedeng maging civil lang? Hindi ba maaaring panatilihin ‘yung respeto? Sana huwag din tayo maging sarado. Huwag natin isiping lagi tayong tama. Intindihin din natin ‘yung pinanggagalingan ng iba. Maging bukas tayo sa healthy na discussion. Ngayon kung talagang tama tayo. We can educate. There’s a proper way of doing that. Methods that doesn’t involve calling them out as bobo at tanga. Estupido at ignorante. Now after we educate them, let’s stop at that na. Huwag natin sila pilitin kasi may sarili din silang isip at paniniwala. We could always agree to disagree. Kasi at the end of the day. Tao lang tayo lahat. Lahat tayo kelangan ng pagmamahal at respeto. Naalala ninyo ba si Luis Montenegro? Yong tatay ni Miggy Montenegro? Sabi niya "minsan sa kagustohan nating maging pinakamagaling, nakalimutan nating maging mabuti." Okay lang makipagdiskusyon. Pero sana bago matapos ang diskusyon, mas piliin pa din nating maging mabuti. Maraming salamat Pepe Fernandez.
No comments:
Post a Comment