Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Sunday, May 11, 2025

DAPAT MAPANOOD ITO NG MGA BOTANTE BAGO BUMOTO

Huling hirit ni Mareng Winnie sa mga botante

Election Day Thoughts

 

Election Day na today.  Bago ako pumasok sa booth sabi nga kasama ko: "Mabuti pa ang bulalo may UTAK."

Ang Pilipino naman may utak rin ... pero UTAK DILIS.  It is a metaphorical expression that means slow-witted or unintelligent. Makakita lang ng konting pera ibenenta na ang boto ... tapos magngangalngal na mahirap ang buhay in the next six years.

ANCHOVY BRAIN ... anyone?

Mister Laguna International 2025

The winners of Mister International Laguna 2025 from left to right: Raylon Cyre Dizon - Bay - First Runner Up, Andrei Polisto -San Pablo - Mister International Laguna 2025- Winner and Kerwin Sicat - Los Banos - Second Runner Up. The Pageant was held at Jose Rizal Coliseum Calamba Laguna last May 10 2025.

Saturday, May 10, 2025

The Biggest Irony


This is the biggest irony so far.


The tarpaulin of Camille Villar one year before the election nakarating na kahit saan: sa harap ng bahay, sa likod ng bahay, sa loob ng bahay. Aba pati ba naman yong pinakaliblib na barangay sa Pilipinas naabot ng mga alipores nila?

Kaya naman hindi kami makapaniwala na yong tubig ng Prime water ay hindi nakarating sa mga gripo where it should. Nasaan na  yong mga alipores nila ... kaya naman pala pati ba naman sa kaibuturan ng Sierra Madre tinadtad na ninyo ng tarpaulin.

Friday, May 9, 2025

Sobrang Ambisyoso Ang Pinoy?


Marami ng mga Pinoy beauty kings and queens ang nagdala ng korona at karangalan. Pati sa Olympics unti-unti nang nagparamdam ang mga Pinoy.

It is too much na siguro kung mayroon pa tayong Pinoy pope. Ano tayo sinuswerti?

Biro pa ni Senator to be Luke Espiritu: At least may isa pang Pinoy sa ICC.

Tawa ng tawa ang kaibigan ko sa joke na yon ah.

Thursday, May 8, 2025

Comparison


The winners of Mister Pilipinas Worldwide 2025, who will be competing this year in international pageants assigned to them. Putsa .... walang itulak kabigin!

Can we say the same thing sa mga line up ng senators na ating iboboto sa Lunes? May napupusuan ka na ba ... or sumasakit ang ulo at walang kang mapagpilian?

Kung sa beauty pageants pinipili natin yong may face value, beterano, matatalino, magaling sa pasarela at nanlalamon ng mike ,,, bakit hindi natin maiapply ang ganitong pamantayan sa politika?

Huwag na nating irequire yong face card para hindi tayo maresbakan.  More often than not ang namamayagpag ay yong mga baguhan - uhugin pa lang gusto nang maging senador. Ni hindi nga nila alam kung kaya nila. Pinilit siguro ng mga magulang. O malakas lang siguro ang loob ... o makapal ang mukha.

Hindi mo rin mawari kung MATALINO - eh ayaw man lang magparticipate sa mga debate at nang masampolan. Kita mo nang manalo na sila ... doon natin nalaman how bad our choices are ... hinayaan nating mag-disappearing act sila sa mga debates - ngayon lang natin nalaman na nabudol tayo.. Kaya pala iwas ng iwas. Aba sa America the more articulate you are ... the better.

Nasa limbo rin tayo at hindi natin alam kung sino sila at saan MAGALING sila. Magaling ba sila magsalita? Naaninag ba natin ang kanilang talino? Maka-Diyos ba? May respeto sa sarili? Loyal ba sila sa bayan at handang ipagtanggol ito? At ano ang magawa niya para sa mga Pilipino?

Isang rude awakening sa atin na sa ibang bagay pala sila MAGALING noong nanalo na sila.  Magaling silang mangupit at mang-intriga, expertise nila ang fake news, marunong silang maglubid ng kasinongalingan, una silang nagjump-ship sa pagtanggol sa bayan ay inuuna nila ang kanilang sarili bago ang taong bayan.

Aba panata na ba natin ang magpabudol? Every election na lang we are always hoping that we choose the right people para makaahon tayo sa hirap ... pero what do we get?

We feel shortchanged ... and with the cavalier attitude nating lahat sa pagpili ng matinong kandidato ... huwag ka nang mangsisi sa iba sa mga kapalpakan mo.

Ang unang tao na sisihin mo ay ... IKAW!

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Satire: Analyzing The Analogy

  Mike Defensor, a man known for his political acrobatics and uncanny ability to land on his feet (or at least, near a microphone), has gift...

Popular Posts