The winners of Mister Pilipinas Worldwide 2025, who will be competing this year in international pageants assigned to them. Putsa .... walang itulak kabigin!
Can we say the same thing sa mga line up ng senators na ating iboboto sa Lunes? May napupusuan ka na ba ... or sumasakit ang ulo at walang kang mapagpilian?
Kung sa beauty pageants pinipili natin yong may face value, beterano, matatalino, magaling sa pasarela at nanlalamon ng mike ,,, bakit hindi natin maiapply ang ganitong pamantayan sa politika?
Huwag na nating irequire yong face card para hindi tayo maresbakan. More often than not ang namamayagpag ay yong mga baguhan - uhugin pa lang gusto nang maging senador. Ni hindi nga nila alam kung kaya nila. Pinilit siguro ng mga magulang. O malakas lang siguro ang loob ... o makapal ang mukha.
Hindi mo rin mawari kung MATALINO - eh ayaw man lang magparticipate sa mga debate at nang masampolan. Kita mo nang manalo na sila ... doon natin nalaman how bad our choices are ... hinayaan nating mag-disappearing act sila sa mga debates - ngayon lang natin nalaman na nabudol tayo.. Kaya pala iwas ng iwas. Aba sa America the more articulate you are ... the better.
Nasa limbo rin tayo at hindi natin alam kung sino sila at saan MAGALING sila. Magaling ba sila magsalita? Naaninag ba natin ang kanilang talino? Maka-Diyos ba? May respeto sa sarili? Loyal ba sila sa bayan at handang ipagtanggol ito? At ano ang magawa niya para sa mga Pilipino?
Isang rude awakening sa atin na sa ibang bagay pala sila MAGALING noong nanalo na sila. Magaling silang mangupit at mang-intriga, expertise nila ang fake news, marunong silang maglubid ng kasinongalingan, una silang nagjump-ship sa pagtanggol sa bayan ay inuuna nila ang kanilang sarili bago ang taong bayan.
Aba panata na ba natin ang magpabudol? Every election na lang we are always hoping that we choose the right people para makaahon tayo sa hirap ... pero what do we get?
We feel shortchanged ... and with the cavalier attitude nating lahat sa pagpili ng matinong kandidato ... huwag ka nang mangsisi sa iba sa mga kapalpakan mo.
Ang unang tao na sisihin mo ay ... IKAW!
No comments:
Post a Comment