Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Saturday, October 4, 2025

Alan Peter Cayetano is Senate's Pied Piper


Whatever the minority leader Alan Peter Cayetano wants ... he gets.

Everybody looks up at him like he is the knight in shining armor in the problem-laden Senate.

May proof na tayo diyan. Para kasi siyang TROUBLE-SHOOTER and FIXER sa senado na siya lang palagi ang pinagpala at tanging nakaisip ng solution. Nagmukha tuloy mga palamuti ang kanyang mga ka-senador. The YES bunch.

>>>>>>>>>

Remember the word REMAND? Does that ring a bell? Well, that's what he and his cohorts did ... REMAND or return to sender (saan pa... e di sa the House of Representatives) ang articles of impeachment.

His motion introduces unnecessary ambiguity to the already politically charged proceeding ... some even say it is unconstitutional because there is no such thing as remand or return in the Constitution.

But because of his charisma, at kung anong anting-anting meron siya he pulled it off at sunod-sunoran lang ang mga so called "palamuti" sa Senado.

>>>>>>>>>>

Then, when the Supreme Court made a ruling on Sara's impeachment ... the Senate was again in a quandary what to do with it.
about sa Senado ... siya lang ang bukod-tangi at siya lang ang nakaisip na ang mabuti nilang gawin ay i-ARCHIVE na lang ang impeachment. Natalo nga ang i-TABLE na suggestion naman ni Tito Sotto.

And as expected nagsunodsunoran na naman ang mga miron at saling pusa.

>>>>>>>>>>

Someone likened Alan Peter Cayetano to money. Bakit naman? Ito ang parallelism.

When Alan Peter Cayetano (and money) TALKS ... everybody LISTENS.

Wala nang maraming satsat. Go na lang ng GO!

>>>>>>>>>>>

Another miron likened him to a PIED Piper of Hamelin.

He was a mysterious man in colorful clothes who managed to lead the rats (kung sinong rats ... hindi ko alam) out of town by playing music. In another instance, the town refuses to pay the Pied Piper what he was promised. The Pied Piper again plays music and lures the children out of town, never to be seen again.

The phrase "pied piper" has become a metaphor for a person who attracts followers (in Alan's case ... his co-senators) through charisma or animal magnetism. Talaga?

>>>>>>>>>>>

This time may bagong pautot na naman si Alan Peter Cayetano. Pauwiin daw si Digong for HUMANITARIAN considerations.

Something is not right. Parang may conflict: Pauwiin for HUMANITARIAN reasons - tapos ang kaso niya ay crimes against HUMANITY? Nagiisip ba sila or are they just voting along party lines?

May bato-balani nga si Alan. Pinatunayan niya ulit that he can pull off a resolution na pauwiin nga si Digong. But the tide has changed: makakalaban niya ngayon ang taong bayan.

>>>>>>>>>>

Friday, October 3, 2025

Then And Now


Then and Now

Noon: May mga politikong hindi naniwala sa DUE PROCESS.

Ngayon: Sila ay humihingi ng DUE PROCESS.

>>>>>>>

Noon: Marami sa kanila ... wala sa bokabularyo ang HUSTISYA . At HUMAN RIGHT.

Ngayon: Bukambibig sa kanila ang paghingi ng HUSTISYA. Kailangan magiging maawain din tayo in order to feel HUMAN para maintindihan fully ang HUMAN RIGHT. Eh bakit noon laganap ang mga EJK ... meron ba silang awa?
>>>>>>>

Noon: Kapag sila ay nasa poder ... they can do anything they want. Even kill or steal.

Ngayon: Kapag sila ay nakulong ... parehong galawan pa rin. They want justice bent to fit their needs and what they believe.

>>>>>>>>>

Noon: Palagi silang exempted sa punishment at nalulusutan ang parusa. IMPUNITY in superlative degree.

Ngayon: Naparusahan man ... patuloy ang pagsinungaling at umaasta pa ring walang kasalanan.

>>>>>>>

Noon: Maraming politiko dahil sa ganid ... pati kaban ng bayan ay pinakialaman.

Ngayon: Nang nagkabistohan na ... deny to death ang lahat. Lahat sila puro at dalisay ... malinis na malinis ... walang bahid at walang dungis.

>>>>>>>

Noon: Maraming politiko ang nasadlak sa kumunoy ng corruption.

Ngayon: Kung sino pa ang corrupt at mga masamang elemento ng lipunan ... ay sila pa ang MAPAGMAGMATAAS at may gana pang MANGARAL. They talk the evils of corruption ... as if they were heaven-sent.

>>>>>>>>

Noon: Kung ang politiko ay naiipit na ... at mainit na ay naiintriga pa ... nananahimik na lang or nagtatago.

Ngayon: Iba na ang political langscape ngayon. Palaban sila ay handa silang harapin ang kanilang mga kritiko. Mistulang mga senador sila conceived without sin ... at nahihiya pa ang ina ng Manunubos sa kanilang pagiging SPOTLESS and IMMACULATE.
>>>>>>>>

Noon: Kapag ang pulitiko ay malapit nang mabuko ... para silang mga pagong nakatago agad ang kanila ulo inside their shell.

Ngayon: Today they have the AUDACITY and they don't have the TEMERITY to voice out what inside themselves. Di bale na kung mapahiya at marami ag nakikinig. Turo sila ng turo sa iba at kusang inilihis at binabaliktad ang narrative palayo sa kanila. They have a gift of words ... at kung gullible ka ... talagang maniwala ka.
>>>>>>>>>

Noon: Kapag naiipit na ang politiko ... marunong silang maglubid ng KASINONGALINGAN.

Ngayon: Upgraded na sila ngayon. Kung hindi gumagamit sila ng FAKE NEWS ... nag-embento pa sila ng mga FAKE WITNESSES ... fully coached and trained to confuse the investigation and fool the Youtube-going public.

>>>>>>>>>

Noon: Ang mga politiko then ... in fairness to them may mga DELICADEZA pa.

Ngayon: I watch one senator having a confrontation with the press on national TV while discussing delicadeza. Too bad ... wala siyang ganon ... tinawag pa niya ng tanga ang mga kausap. That was RUDE and disrespectful to say the least. Masyadong bilib sa sarili.
>>>>>>>>>>

Salamat sa caricature!

Thursday, October 2, 2025

Life Is Like



Life is .... gastronomic (too much food ... too many choices.)

GASTRO-nomic ... meaning ma-GASTO ... kung maraming GUSTO-ng kakainin.


Wednesday, October 1, 2025

Tuesday, September 30, 2025

Kaya Pala


Filipinos wonder ... if the Discaya flood control projects in Cebu survived the SHOCK ... the foreSHOCK ... and the afterSHOCK brought about by seismic TREMORS of the recent TEMBLOR that ROCKED Cebu to the tune of magnitude 6.9 on the Richter scale.

No need to worry, daw mga kapatid ... walang pinsala man lang. GHOST projects kasi ... matitibag mo ba ang GUNIGUNI at KUNI-KUNING projects ... aber?

Ang sasalungat ... berdaderong DDS talaga. Diehard Discaya Supporter.

Sunday, September 28, 2025

I Remember Senator Miriam Defensor Santiago


 

The once Iron Lady of Asia, Miriam Defensor Santiago, said, "Corruption only exists in a society that allows it." I can't agree with her more.

We know who these two-timing politicians are... sadly, our silence becomes an ENABLER that encourages them to do more of what they excel in. Nobody is complaining... so their clandestine activities continue.

And because everyone had their mouth shut, corruption becomes a VIAGRA that treats the politician's erectile monetary dysfunction... their desire for more money... or the contractor's craving for more dough.

We are the nation that plays three monkeys: we see no evil ... we hear no evil ... and we speak no evil.

We are likened to the three monkeys: Mizaru, Iwazaru, and Kikazaru. It is really condescending that we are compared to monkeys ... of all animals ... but can you blame people if they think of us that way? That is how we behave ... that's why?

This observation originated from a Japanese visual proverb illustrating the principle that if a person wants to avoid trouble, they must pretend they have not seen, heard, or spoken evil.

Iyan ang nangyayari sa atin ... nang dahil sa takot na may masamang mangyari sa atin ... umuurong na ang ating mga dila at yagbadidols. Pati mga bibig natin nabusalan. Wala kasing may kauri pa si Trillanes sa ating hanay na sugod lang ng sugod.

Tingnan mo yan kung hindi pa tayo lumubog sa baha at maanod sa agos ng delubyo ng corruption hindi pa tayo magising sa ating mahimbing na pagtulog.

Kung hindi pa tayo nanakawan aba eh tumutulo pa ang ating laway sa ating pagkaidlip ... at mas gusto na lang natin manahimik at ibigay na lang sa iba ang responsibilidad na magsalita.  It is better that way ... safe ka sa pakiramdam mo. walang agam-agam ... walang panganib.

Okay lang naman mag-play safe tayo. Kaya lang dahil sa ating pagkaduwag ... pati prinsipyo natin were already pawned sa mapang-abusong kaaway.

Tingnan mo pati ang langit ginigising na tayo ... at sunod sunod pang pinadala ang mga bagyo one after another ... mabuhusan man lang ng tubig-baha ang papungas-pungas at nag-aalangan nating mga damdamin.

Kailangan pa bang liparin ang ating bubungan ... or do we need another epidemic of leptospirosis to knock our heads off to remind us that we are part and parcel of the reason why our leaders need to steal from us in broad daylight? 

Di ba dapat tayo ang magnakaw sa kanila ... not the other way around?  Tayo ang mga mahirap dito ... tapos nanakawan pa?And do we still need the FLOOD to remind us of our apathy, indifference, and passivity ... the very main reason why we are languishing in the SEA of corruption?

Tama si Miriam Defensor Santiago. Corruption exists because the Filipino society has allowed it to happen.

Huwag na tayong mag-deny.  Alam natin kung sino ang mga undesirables sa ating gobyerno ... but because of blind idolatry ... or dahil nagtatrabaho tayo sa kanilang troll farm ... nagiging bulag ... pipi ... at bingi na tayo sa lipunan. Isa tayong mga de-susing manika sa mata nila ... tatalon kung uutusang magtalon.

Reality check lang mga tol ... sino ba tayo sa kanila ... except sa isang bayaran at sunod-sunorang kasambahay? Akala ba natin mabait sila? Tingnan lang natin kung hindi na nila tayo kailangan ... kung hindi sa kangkongan ang bagsak natin?

Ayan ... every election ... wala tayong kapagurang sa pag-suporta sa kanila. Huli na ang pag-protesta natin sa Luneta at sa EDSA ... the harm has been done. At kung nagtulog-tulogan pa tayo ... God forbid ... sana huwag naman tayo yong biktima ng baha sa balita ... or yong part na lang tayo ng statistics na isa tayo sa mga nasawi ... soon to be forgotten at ilibing na lang sa limot.

Isip-isip mga tol.

Saturday, September 27, 2025

The Biggest irony


Tiningnan ko ang aking corruptionary at bolang kristal ... sa lahat ng FLOOD of corruption scandals na NAGPALUBOG sa ating ekonomiya at tiwala na malampasan natin ito... may pag-asa na hindi na tayo MANGU-NGUTANG in the near future.

O ... don't celebrate yet! 

Hindi na tayo mangutang ng pera ... dahil wala nang magpautang sa atin. BAN na tayo period ... at wala na silang tiwala sa atin.

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Ang Pambansang ATM: Hero ng Pamilya o Sira-Sirang Machine?

  Sa dakilang kultura ng Pamilyang Pilipino, may limang pangunahing Social Class: ang Mayaman, ang Middle Class, ang Mahirap, ang Isang Kahi...

Popular Posts