Ang hustisya po ay neutral: Robin says prosecutions' duty is to seek truth, not victory.
Iyon naman ang ginagawa ng prosecution, ah. They aren't just 'seeking' the truth ...they were holding the truth from the get-go, which was their winning ticket from day one.
*************
Pareng Robin, huling-huli ka na. Gusto mo pang lumusot? Akala ng mga readers, gusto mo ang katotohanan. Makinig ka ... ito ang katotohanan.
You accused the prosecution team of being one-sided ... nag-ingay sila at nagalit ka dahil hindi sila makapaniwala na ang bogus argument was coming from a senator-judge of all people. Dinagdagan pa ng tidal wave of backlash from the readers. Ang saklap isipin na akala mo tama ka ... tapos ngayon isolated ka sa isang paniwala na mali pala.
*************
Ang taong gustong lumulusot ... ay hindi makatanggap ng katotohanan. Kung inamin mo lang sana from the get-go na nagkamali ka, di sana't hindi na humaba ang usapan. Mataas kasi ang pride mo.
Tapos na ang pagpapanggap at pagpapakitang-tao mo, idol. Isa kang artistang walang alam sa batas, ngunit nagmamagaling kang magturo sa mga kongresman na eksperto dahil iyon ang propesyon nila. Huwag kang magtaka kung nagingay sila; pilit ka kasing nakikialam sa isang bagay na labas sa iyong kakayahan at kaalaman.
************
Tsong, we know what you are doing. You are trying to spin your catastrophic arguments by creating an angle that will soften the blow. You are in crisis-control mode.
Pero dahil ayaw mo namang nakinig at nakaupo lang diyan at gusto mo may direct participation ka ... yong naba-bash ka ay occupational hazard lang. It comes with the territory. Walang personalan… trabaho lang.
************
Katulad niyan sinabi mong "mga langaw na nakatuntong sa kalabaw" ang ilang members ng prosecution team, and he was specifically referring to certain personalities of the House prosecution panel.
Bago pa makasagot ang mga target ng statement mo ... the bashing was started by netizens who were obviously infuriated by your condescending tone: "Ikaw ang langaw sa ibabaw ng kalabaw." I can't blame them, actually.
*************
"Paano naman naging langaw si Robin, aber ... at bakit doon siya sa ibabaw ng kalabaw?" asked other readers.
Robin didn't get up there by himself. He doesn't belong up there in the first place. He doesn't know what to do up there, and he has elevated himself beyond his ability to function. You just wonder what kind of dumb idiot put him up there to begin with."
*************
Padilla used the phrase " Meron na ba kayong nakitang fiscal na binabanatan ang judge?" (Have you ever seen a fiscal attack a judge?)
Translation: When Robin said fiscal attacking the judge ... he meant the prosecution attacking the Senate judges ... where he was one of.
*************
To the prosecution, unawain na lang ninyong nasaktan lang ang damdamin ni Senator Robin. Despite his rough exterior ... sensitive po yan.
Remember the near-fisticuffs altercation with Senator Kiko Pangilinan ... dahil ayaw niya ang tinataasan ng boses. Ayaw niyang parang siya ay sinisigawan? Ganoon din ang nangyari noong nag-ingay kayo at tumawa. Nainsulto si Senador.
*************
Di ba kinamayan pa siya noon ng asawa ni Sharon para matapos na ang tampong purorot niya? Pero hindi siya makuha at madala sa pakamay-kamay lang.
Nasanay siguro sa pelikula na ang mga lead stars hindi basta nagpapatawad ... either lumuhod ang mga kalaban ... or halikan ang paa ng mga bida .Ang taas na kasi ng mga pinaglagyan nila sa mga sarili nila.
*************
Para kasing may anger management problem itong si senator. Wala siyang keber kung sino man ang masaktan.
All that matters is nasabi niya, as he pointed out, that those sitting in front were making noise and comments, "Hindi po allowed mag-ingay, korte po ito!" (They are not allowed to make noise, this is a court). O kitam?
*************
Sabi nga ni Atty. Lorna Kapunan na nakaupo sa front row ... "Para kaming mga bata na pinagalitan ng aming teacher."
The ever colorful netizens fired back and joked: : Kulang na lang ba ihagis sa inyo ang eraser? ... Or paluhorin kayo sa monggo?"
*************
Seriously this time ... wala na bang interparliamentary courtesy between senators and congressmen? Or nawala na lang itong long-time relationship dahil ang nagsasalita ay ang Johnny-come-lately senator na umaasta ring Mr. Know-It-All like his mentor Alan Cayetano.
Kung sensitive si Robin sa pagtaas ng boses ni Kiko ... would he even accept it ... dahil more than sa pagtaas ng boses ... ang latay ng kanyang pananalita ... nararamdaman at tumatalab. Kung mahina lang ang mga congressman ... ma-offend talaga sila? Pero professional sila at hindi sila katulad sa senador na nagtatanim ng sama ng loob.
*************
I read that his target is directed at House prosecutors, Terry Ridon and Leila de Lima, dahil kinukuwestiyon nila whether detained senator-judges such as Jinggoy Estrada and Rodante Marcoleta should be allowed to participate in the trial.
Kahit na ... dapat nagtimpi pa rin siya. Respect is one value our teachers have taught us, and he was talking to the then Department of Justice head honcho Leila de Lima; tapos pinapatahimik mo lang?
*************
Ilagay naman sana ni idol yung lugar niya sa dapat niyang paglagyan. Hindi mga bata or fans mo lang ang mga sinisita niya. Mga professional ’yan.
Hindi mo ba naitanong sa sarili mo kung bakit sila nag-ingay? Baka yong sinabi mo is enough stimulus and reason to draw audible snickers and protests from them?
*************


No comments:
Post a Comment