When Apple made a teaser about Apple iPhone 14 Pro Max ...the only thing he said was: deserve ko yan. Kesehodang maabot na ang bumbunan ng 100K, he made true to his promise ... at ngayon buong ningning niyang pinangalandakan sa mga kaibigan ang mamahaling cellphone.
When Maroon 5 and Justin Bieber made their rare appearance in Manila nangunguna sa listahan ang kaibigan naming ito to fall in line sa queue. "Deserve ko rin ma-entertain once in a while." At hindi basta nakontento sa General Admission (P2500) ang hinayupak ... pinili pa ang Patron Side (P23,500). Napakamahal naman ng price ng pagka-deserve niya,
Avid patron din siya ng Lazada at Shoppee. Halos lahat yata ng bagay DESERVE niya.
One time nakita namin siya at para siyang basang sisiw ... at may problema. May financial problem daw ... which he termed it as ... na-short lang.
Huwag mo nga kaming ululin!
Kapag wala ka nang pera at gabundok ang utang ... DESERVE mo rin yan!
No comments:
Post a Comment