Not so long ago ... wala kang iniisip kundi sarili mo. Kung gusto mong magising ng tanghali ... magagawa mo. Kung tinatamad ka ... puede kang nakahilata buong maghapon na walang magrereklamo. If you want a little more time for yourself ... puede kang matulog nang wagas hanggang sumakit na ang ulo mo. Noon yon.
Iba na ang kalakaran ngayong pamilyado ka na. Nagising ka sa katotohanang kailangan kang magbangon kahit ina-antok ka pa. Papungas pungas ka pa ... pero kailangan hilahin mo ang katawan mo ... dahil may mga taong umaasa sa iyo - ang mga anak mo at asawa mo.
Noon wala kang bills na iniisip ... dahil inako lahat ng parents mo ang responsibilidad. Iba na ngayon ... dahil you are practically on your own. Iisipin mo ang babayarin sa kuryente, sa tubig, sa pagkain, sa renta ng bahay, sa diaper at gatas ng mga anak mo. Kailangan mo magbanat ng buto ... para patunayan mo na isa kang good provider.
These realizations are prerequisites para ihanda mo ang sarili mo sa mga dambuhalang mga responsibilidad in the future. Ito ang totoo at tunay na laro ng buhay ... kung hindi pa maliwanag sa iyo ... aba eh dapat mahimasmasan ka na.
Dahil ano man ang iwas mo ... hindi mo magawang bale walain lang. Hindi na pwede na ituloy mo pa yong dating walang pakialam mong mga pananaw at saloobin ... hindi puedeng ipikit mo ang mga mata mo at dedma ka na lang sa mga responsibilidad mo.
Hindi puedeng magkibit balikat ka at tulakbahala ka na lang ... dahil mumultohin ka ng mga sikmurang gutom ... mg mga kuryenteng pinuputol ... ng mga labahing gabundok ... ng pakipagpatintero mo sa mga naniningil ... ng refrigirator na puro tubig ang laman.
Welcome sa masalimuot na laro ng buhay. At huwag kang hihirit pa at magtanong ... bakit ako?
Hindi lang naman ikaw iho ... lahat tayo.
No comments:
Post a Comment