"Hala nakabili na 'yung kaklase ko noon ng bahay at lupa ako wala pang naipundar."
"Hala nakarating na sa ganitong lugar/bansa 'yung kaibigan ko noong college."
"Hala 'yung ka-age ko nakapag-asawa na. Hala, mas bata nga ata sa'kin 'to eh."
"Hala 27 na ko wala pa ring nangyayaring significant sa buhay ko."
"Hala gagraduate na ko ng senior high, di ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay ko."
"Hala mas matalino ako rito eh, bakit mas angat siya sa buhay?"
"Pinagpuyatan ko 'tong homework/project/thesis na 'to eh. Bakit ang baba pa rin ng grades kumpara sa kabilang group."
"Nag-aral ako para sa exam na 'to pero yung petiks higher pa rin sa'kin"
"Ang hina ko talaga. Mukhang ganito na lang ako. Nagsisikap naman ako? Bakit parang walang pag-usad?"
If your basis of being a successful person is relative to another one's success like those who are younger or people in your age group, maybe, you're measuring it in the wrong way. Baka mali 'yung mga sukatan mong ginagamit para i-define ang success? Magkakaiba kasi tayo ng buhay eh, ng mga pinahahalagahan. Hmmm, at kung material na mga bagay at recognitions lang pala ang basis ng tagumpay, mukhang mahaba-haba pang oras ang gugugulin natin para maging masaya at matagumpay.
No comments:
Post a Comment