Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Monday, December 1, 2025

Saan Ang Loyalty



Tamaan na lang kung sino ang tatamaan ... masaktan na kung sino ang masasaktan.

Aba mapigilan ninyo ba ang mga pageant bloggers kung nagrereport sila ng mga pageant result pati na ang kanilang mga reaction at pananaw dito?

And since when na ang pagbabalita ay pagmamayabang. Nayayabangan ka ba ... or na-overwhelm ka sa hindi mapigilan pagratsada ng bayan na isinusuka mo?

And who gave these self-proclaimed critics the license para supilin ang content ng mga post ng mga bloggers issuing outlandish comments na ano ba ang dapat ikatuwa sa B2B victories ng Pilipinas eh mga minor pageants lang naman iyan.

Yon na nga ang siste. At least kahit minor pageants nagkaback to back tayo . Eh yong iba diyan may maipagmalaki bang B2B or front to front? Wala nga di ba? Yong iba nga taon taon na lang sali ng sali ... at sa twenty or so years na pagbakasakali nila kahit minsan hindi nakatikim ng Top 30 man lang. Teka nga minor pa ba ang Miss Grand International sa iyo?

At naririnig mo ba ang sarili mo sa mga accusations mo na kaya nanalo ang Pilipinas ng back to back eh aside from being minor pageants ... hindi sumasali ang mga powerhouse countries diyan. Kaya nananalo daw ang Pilipinas dahil sila lang daw ang angat at wala ng mapagpilian. The nerve.

Ito pa ang isang matinding accusation: Gutom na gutom daw ang Pilipinas sa crowns. Paano maging gutom yan eh bondat na bondat na sila. Wala na silang dapat patunayan pa. The crowns we won are overflowing. Kusa itong binibigay sa atin ... tatangihan mo pa? Hindi natin ito hiningi ... they give us the title because they know na deserve natin ito.

At sa lahat ng kanyang sinabi, this one takes the cake as the most thoughtless, reckless, and the most "BALIW of all. Responding to another commenter who said that Venezuela has not completely won the top-tier pageants because the country still has to win the Miss Supranational, and this critic responded, "hindi nila focus ang supra ... at wala silang paki sa pageant na yan. Delusional with capital D.

How did you know inang? Ikaw ba ang National Director ng Miss Supra Venezuela at alam mo ang ins and outs sa loob? Isang tanong lang at ma-debunk na yong mga sour-graping mo (or was it sweet lemoning?) at mga palusot mo. Para que sasali pa sila sa Miss Supra, gagastos at magtrain ng candidate kung wala pala silang intention na manalo dito? Alam mo ba kung magkano ang ginagastos sa preparation pa lang ng mga representatives .... at may "bahala na" attitude sila ... at wala pala silang paki manalo man o matalo..

This is a classic case of "arguing for the sake of argument." Lusutan kung pwede lusutan. She presents an argument .... or adopts a position na walang paki ang Venezuela sa Miss Supra) not necessarily that she believes in her statements. These statements were made merely to obfuscate the discussion and mainly to rock the boat. Did you think naniniwala ang tao sa iyo?

Kaya responsibility ng Pilipinas na i-maintain ang imahen na kanilang na-estasblish. They call us powerhouse in Asia because of the record-breaking achievements. We join the pageants hindi dahil kailangan pa natin ang isang truck na titles. Far from that. We have reach the point na responsibilidad natin i-safeguard and ating brand. Na mapangalagaan ito at i-maintain ... not necessarily para manalo. Eh kung binibigyan pa rin ng title ... bonus na yon.

Going back to the critic ... kung isa rin siyang Pinoy ... it is mind boggling. Bihira ka makakita ng mga ganyang klase ng tao na instead ipagbunyi at ipagmalaki ang kanyang home country ... sila pa ang tumutuligsa at pumupuna dito. Loyalty and patriotism is now the thing of the past. And talk about crab mentality ... natutuwa sila sa kanilang kawalanghiyaan.

I am posting the photos of the back-to-back winners to remind the critic that her comments were two-faced and sneaky. Sa totoo lang kung wala ka namang magandang sasabihin ... back off ... and keep your mouth shut.

Wala ka namang ambag ... kundi ang matabil mong dila. Who needs that anyway?

One more thing ... bakit ka na-ooffend sa mga pageant bloggers na nagbabalita or nagbibigay ng komentaryo. At bakit pumapasok sa isip mo na mayabang sila eh trabaho nila yan.

Galit ka sa mayabang ... dahil natalbugan ang kayabangan mo ... is that it?





No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Have You Experience Ambivalence?

Ano ba yan? Para sa mga Dutertards ... it is just a pity na AMBIVALENCE ang nararamdaman nila ngayon sa sitwasyon ng kanilang si Tatay Digon...

Popular Posts