Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Saturday, June 14, 2025

Pageant Result: Binibining Pilipinas 2025


The winners of Binibining Pilipinas 2025 from left to right: Kathleen Enid Espinido - Second Runner Up, Annabelle Mae McDowell - Miss Globe Philippines 2025, Katrina Anne Johnson - Bb. Pilipinas International 2025, Dalia Varde Khattab - First Runner Up. The pageant was held at Smart Araneta Coliseum last June 15, 2025.

Friday, June 13, 2025

Some Musing On Father's Day


May mga Tatay na nakukuba na sa trabaho ... at nalugmok na sa utang. Ito ay hindi dahil sa kapabayaan nila ... ang tanging kasalanan lang nila ay yong pinili nilang maging kargo nila ang lahat ng miembro ng kanilang pamilya.

Hindi lahat ng Tatay na nabaon sa utang ay nag-uugat sa kasakimang mabili nila ang gusto nila. Hindi rin dahil ito sa kanilang pagiging alipin at kahinaan sa udyok  ng mga hindi mapaghindiang tawag ng Shoppee at Lazada.

Kung minsan dahil ito sa pagmamahal lang ng mga Tatay sa kanilang pamilya. Dahil ito sa sakripisyo ng isang uliran at mabait na mga ama.

Nagkasakit lang ang anak ng anak nila ... pinili niyang magpakatatay agad... kahit hindi naman sila ang tatay ... at yong mga tunay na ama nga ay chill lang at pinasabahala na lang ang lahat.

Naputulan lang ng kuryente ang bahay ng anak nila ...  para silang si Father Of Perpetual Help na sinasalo agad ang resposibilidad. 

Ni hindi nga pinoproblema ng anak ninyo ang walang ilaw ... at madilim na bahay pero ito sila at aligaga sa pagtulong kahit hindi naman dapat. 

Sinipon lang ng konti ang apo nila ... aba ito na si Superman ... pikit-matang binibili ang gamot ... pero yong maintenance na gamot nila sa blood pressure napabayaan na.

Nalunod sila sa utang pero hindi alintana ang pagkalugmok ... ang importante makita nilang komportable at safe at malusog ang mga mahal nila.

What is sad ... ay yong pagkatapos magkaletse-letse ang buhay nila sa ngalan ng pagmamahal ... inappreciate ba sila ... o pinasalamatan man lang?

Madalas marinig nating ang mga salita ng mga anak: "ganyan lang talaga si Tatay. Hayaan mo na sila ... e diyan sila maligaya sa pagtulong nila. Tanggap lang ng tanggap. Sino ba tayo para tumanggi ng grasya?"

Wow, ha, feeling entitled?

This Father's Day i-celebrate naman natin ang ating mga Tatay.

Hindi ko sinabi ... na bibilhan mo sila ng espesyal na regalo ha. Hindi naman nila siguro kailangan ang espesyal na regalo ninyo.

Ang pinipunto ko lang ay yong verbally pinapadama ninyo sa kanila na mahalaga sa inyo ang lahat ng kanilang ginagawa.

By the way kailan mo ba sila chi-neck? Yan pa ang isa. Gusto ninyo kayo lang chini-tsek. 

Tama na yang mga double standard at feeling entitled na ugali ...na kayo lang ang dapat pansinin, alagaan at kinukumusta..

Kung ano ang binibigay ng mga Tatay natin... di ba dapat yon din ang ibalik natin?

Isang kumusta mo lang ... sabay greet ng Happy Father's Day ... kinikilig na ang mga iyan. Hindi mo alam na mga pusong mamon ang mga iyan?

It's time we appreciate our fathers on this special day!

Tuesday, June 10, 2025

Political Irony


Bilang isang verdaderong Katoliko na nagoobserve ng mga Senador kahapon, tumatayo ang balahibo ko makita at marinig ang ilan sa kanila na nagququote ng Bibliya, nag-iinvoke ng Holy Spirit at paggamit ng langit para masabi ang kabilang mga arguments. 

Naku mga idol ... hiyanghiya naman kami sa inyo. Kayong mga banal, mga sagrado, at mga busilak ang kalooban ... hindi ba kayo naalibadbaran sa mga sarili ninyo? 

Hindi ba kayo nabulonan sa paggamit ng relihiyon at simbahan ... at ginagamit ninyo pa ang pangalan ng nasa Itaas... bakit para maniwala ang mga tao sa mga pinagsasabi ninyo?

Wala namang ganonan. "Thou shalt not use the name of the Lord thy God in vain."

You think all the while ... ang mga ginagawa ninyo ay mabuti? Kanino sa sarili ninyo o sa kaibigan ninyo?

Hindi na bobo ang mga Pilipino ngayon. Marunong din silang kumilatis ng ugali ... sa mukha pa lang ng tao. 

Monday, June 9, 2025

Pageant Result: Manhunt International 2025

The winners of Manhunt International 2025 from left to right: Jordan San Juan - Philippines - Third Runner Up, Piyumal Sithum - Sri Lanka- First Runner Up, Adonis Renaud - France - Manhunt International 2025- Winner, Rhyeme Wright - Jamaica - Second Runner Up,  and Vu Linh Nguyen - Vietnam= Fourth Runner Up. The pageant was held in Bangkok, Thailand, last June 11, 2025. 

Pageant Oddity


This is another pageant oddity. There are only two countries in the world that have completely won all 6 Alpha crowns - the Philippines and Puerto Rico.

We won the six crowns - how come our kapitbahays does not consider us a powerhouse? That's odd.

To think that these neighbors are not even in the list above. An oddity ... indeed!


Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Let Your Voice Be Heard

Popular Posts