May mga kandidato na gustong maging senador ... ang problema sa ilan ... wala silang PLATAPORMA.
Sayaw dito ... kanta doon ... kahit disintunado or parehong kaliwa ang paa ... hindi sila maawat sa kanilang PORMA.
Sayaw dito ... kanta doon ... kahit disintunado or parehong kaliwa ang paa ... hindi sila maawat sa kanilang PORMA.
Sad ... but true.
Remember, kayo ang aming ILAW NG TAHANAN (house light) ... hindi STREET LIGHT (ilaw ng lansangan).
Hindi Marunong Pumili Ang Pinoy?
May nagcomment na kahit alin mang election hindi talaga marunong magpili ang Pinoy.
Huwag naman nating lahatin, at may matitino din naman. Ang problema lang mas marami ang vocal majority na nahuhumaling sa mga "undesirables" as compared sa silent minority na hindi na mga umiimik hindi pa rin bomoboto.
When Michael Sager and Emilio Daez were evicted sa bahay ni Kuya nagkaroon ng general sentiment that Pinoys usually go with the abnormal route ... na kung sino ang matino ... tinatapon na lang sa basurahan.
They go with the superficials kesehodang magastosan sila sa pagsuporta sa mga paborito nila. Whoever is pleasing to their eyes ... or kung sino ang nagbibigay ng kilig ... at kung sino ang nagbigay ng kiliti sa kanila ...doon sila. They always go on the side of frivolity over substance.
They vote and make the candidate have another lease of life ... pumipili sila not necessarily yong may magandang ugali kundi kung saan sila natutuwa at kung sino ang pantasya nilang tropahin at jowain. The irony was: the good ones got evicted ... and the toxic ones stays.
Huwag na tayong lumayo ... dala pa rin ng mga Pinoy ang ugaling "wala silang pakialam" ... pati na sa national election ... hindi nila sineseryoso at hindi sila nagboto responsibly. Na dapat ang election 2025 is suppose to be the judgment day ... where the goats are being separated from the sheep.
Well-meaning people have made campaign drives "na ang boto this election ay boto para sa ating kinabukasan." Pero sadyang matigas ang ulo ng Pinoy at sarado ang tenga at isip para sa isang matinong pakiusap.
Ang hilig talaga nila sa mga sikat. At marupok sila ... lalo na kung pogi o maganda ang sumusuyo sa kanila. The fact of the matter: ano ba ang silbi ng magandang mukha kung wala silang (yong mga idolo nila) alam sa mga issue at problema ng bayan.
Uulitin ko hitik na hitik na ang senado sa mga artista na parang palamuti (wall flower baga) na lang sila sa mga hearings in aid of legislation. Dahil bored na sila ... may mga instances na yong mga walang mai-contribute ay nahuhuli ng camera na sumusuklay ng bigote, ginawang eat-all-you-can ang hearing (hindi na yata nagaalmusal sa bahay ay ginawang extension ng bahay nila ang senado. . Utang na loob ... hindi smorgasboard ang kongreso at hindi pagpabondat ang rason kung bakit sila nandiyan.
Kailangan pa bang dagdagan ng ilan pang palamunin diyan? Hindi ba tayo nakontento na may isa or dalawa na diyan ... at kailangan pa nating palobohin ang numero nila?
Hindi ba sila naiilang na everytime na pumasok sila they are being acknowledge: "announcing to you the presence of so and so ... (sila naman kaway ng kaway ... imagine tinatawag silang honorable) tapos kakain lang pala ang gawin or nakahilata sa reclining chair sapo ang noo ... at minamabuti na lang nilang tumahimik na lang ... kaysa maging active participant sa discussion tapos laman sila ng puna at viral sa you-tube at comment section pagkatapos silang pagtawanan?
Yong iba sa atin ... kung sino ang nagmumura, nagbabanta, nagsisinungaling, nainvolve sa corruption, nagnanakaw, nangiintriga, gumagawa ng fake news and most of all siyento porsiyento na bastos ... doon sila nagsusuporta.
Para silang mga de-susing manika na iisa lang ang isip at mistula silang na-hypnotize at na-Black Magic at hindi na makaiwas at makahindi. Or in-abracadabra sila ng kampon ng kadiliman dahil mukhang lutang na. Sunod sila ng sunod ... wala na sila katinoan as if they lost their sense of right and wrong.
Pumapalakpak sila sa mga mura ... at nagha-high five sila sa mga tsismis at fake news na buong layang isinapubliko ... parang pulutan na lang sa barberya at sa inoman ng magtropa. Sa social media, they come in strong force at para silang magigiting na abogado para sa mga idolo nila. Handang mamatay para maipagtanggol sila.
We often asked ourselves bakit namamayagpag ang mga delinquent leaders in our midst? Simple ang sagot diyan ... dahil marami sa atin ay delinquent voters din.
We allowed ourselves to be used ... at never tayong nag-self examine kung sino talaga sa mga kandidato ang karapatdapat mamuno. Binigyan lang tayo ng 100 pesos ... ayos na at buong giliw nating ibenta ang boto natin.
Kaya sila namimihasa at patuloy na ginagawa ang mga karahasan at katiwalian ... that is because mga ENABLER tayo ... that is because we allowed them. Wala tayong dapat sisihin kundi TAYO rin.
Huwag kang magkaila!
Historic recurrence is the repetition of similar events in history. Just like the image above, the people choose to release Barabas, a prominent figure in the biblical story of Jesus's crucifixion. He was a notorious criminal, and robber, and an insurrectionist who was released by Pontius Pilate instead of Jesus.
It is obvious the owner of the image wants it to compare with one prominent politician's personal odyssey, where even with a truckload of glaring evidence and proofs, people would rather turn their backs and ignore the obvious.
History repeats itself when past and present specific events bear the same striking similarity. There is that noticeable resemblance, and the similarity is so strong that it catches the eye and can easily be observed.
Notice how the incident that happened Anno Domini and the last administration's political saga share the same nuances and characteristics.
The parallelism is significant and stands out rather than being merely subtle or minor.
“Ang alam ko lang ay makagawa ng kabutihan sa mga nangangailangan nating kababayan," Pero sapat na ba ang argumento niya para siya ay iboto?
Tanong ni Coco Martin kay Lito Lapid sa kanyang campaign ad: "Sabi nila wala kang ginawa noong ikay nakaupo sa Senado ... anong pinanindigan mo? Sabi nila artista ka lang ... ano ba ang magagawa ng isang action star? Ang sabi nila hindi ka raw nakapagtapos ng iyong pagaaral ... paano mo kami matulungan? ..."