Blog Invitation

Blog Invitation

Register -Become a Follower

Thursday, April 4, 2024

Huwag Sarili Na Lang Ang Iniisp Mo


May mga bata na kung magsumbat sa mga magulang feeling ENTITLED sila. Nababaligtad na nga ang mga pangyayari.  Parang sila na ang magulang at sinesermonan ang magulang na parang isang basang sisiw ... lugmok sa problema at hiyang hiya sa sarili.

Kung ano ang gusto nila yon ang masusunod. No ifs ... and no buts ang batas ... basta ito ang mga kailangan nila ... tapos. Kailangan punuin ng mga magulang ang mga kapritso nila.  Nahihiya kasi sila sa mga kaibigan  sakaling malaman nila na hindi nila kaya bilhin ang mga mamahaling gamit at gadgets.  Kung ano meron sila ,.. dapat meron siya.

At kung magsalita silang: "You'll never understand my pain.."  alin bang "pain" iho ang ibig mong sabihin? Yong "pain" na nai-inggit ka or nagseselos ... or yong "pain" na alam mong walang-wala ang pamilya mo at kailanman ay hindi mo pwedeng ikompara ang sarili mo sa mayayamang kaibigan mo?

Kawawang magulang at naging sunod-sunoran na lang. Kung alam lang ng mga bata ang krus na pinapasan ng mga magulang - wrestling with all kind of challenges - bills, health problems, monetary and financial setbacks ... sana naliwanagan rin ng makitid na pagiisip nila.

Shout out sa mga anak diyan. Magiging maalam ka dapat at kailangan pakialaman mo ang tunay na sitwasyon ninyo sa buhay. 

Kung wala kang ginawa kundi magdemand ka ng demand na bilhin ang  kung anong meron ang iba ... obligasyon mo ring alamin kung ano ang dapat at hindi.  Nakita mo ang "pain" ng selos at inggit na personal na nararamdaman mo ... pero nakikita mo rin ba ang "pain" na kasalukuyang dinadala at pinapasan ng mga magulang mo? Kung bulag ka or manhid --- sigurado ako hindi mo nararamdaman.

Pwede ba huwag naman yong puro sarili mo na lang ang inaatupag mo. Kung gusto mo magkaroon ng mga gadgets na yan ... magtrabaho ka. Diyan mo malaman how hard it is to spend your hard-earned money sa mga bagay na kung lilimiin mo lang ay parang hindi naman importante. Matuto kang makontento sa kung ano meron kayo. 

Before you know it ... sa pagiging entitled mo at pagiging vocal mo ... ikaw pa ang nagpako sa kanila sa krus ... or to put it bluntly... you put the last and final nail ... in their coffin. Mahirap mangyari? Pero pwede mangyari.

Maiintiendihan mo ang tinutukoy ko pagdating nga panahon when there is a reversal of roles ... yong hindi ka na anak ... kundi isang magulang na.

No comments:

Post a Comment

Flag Counter

free counters

Be A Follower

Be A Follower

Blog Of The Week

Blog Of The Week

Blog of The Week

Blog of The Week

Revolver Map

Powered By Blogger

Search This Blog

Visitors Stats Today

  • …

    Posts
  • …

    Comments
  • …

    Pageviews

Today Is

Calendar Widget by CalendarLabs

World Time

About Me

Wretired writer, Malayang Free Thinker, Probing Blogger, Disenteng Dissenter, Tempered temperamental, Liberal-Conservative, Grammar and Syntax Police, Pageant Connoisseur, Hibiscus Collector

Back To Top

”go"

Labels

Pageant Result: Mr. Cosmopolitan 2025

The winners of Mr Cosmopolitan 2025 from left to right: - Dinh Sy Tu- Vietnam- Fourth Runner Up, Sandile Christo Gama -South Africa - Second...

Popular Posts