Pa-Victim - or Victim Mentality - sila yong mga taong akala mo oppresssed sila ... at maltreated. Sila yong aggrieved party ... or people who were taken advantage of. Sila yong mga taong biktima ng pagkataon at pangyayari. In short ... they were USED and ABUSED - translation ... ginamit na ... inabuso pa.
Marami niyan sa ating paligid ... even sa gobyerno. They claimed marami silang bashers ... na binu-bully sila at hindi sila tinatantanan ng intriga. Kung mag-overthink ... akala mo may demolition job whose main purpose ay sirain ang pagkatao nila.
Sa pamilya ... to people outside looking in ... sila yong mga inalipusta ... pinagkaitan ... nagtitiis at api-apihan.
In actuality ... sa flipside ng coin ... sila talaga yong masama ang ugali. Sila yong walang bahid ng kasamaan (yon ang kanilang gustong i-project) ... pero demonyo pala (pardon the term). Sila yong mga taong nagkunyari na ka-awaawa pero kung i-analyze mo ang sitwasyon ... kung ano mang delubyo ang nararanasan nila ... they actually deserved it.
Nagpapalusot pa ... minsan nahuhuli mo yong tunay na sila ... yong tunay na kulay ... in their unguarded moments.
On the other side of coin ... kailangan ding intiendihin sila. Mahirap yong kumakanta sila ng Me and Me Against The World ... tapos sarili lang ang kakampi.
Kung sila ang mga "goat in sheep's skin" ... may mga reason din why they behave what they do. Read the next post at the bottom to understand why.
No comments:
Post a Comment