The once Iron Lady of Asia, Miriam Defensor Santiago, said, "Corruption only exists in a society that allows it." I can't agree with her more.
We know who these two-timing politicians are... sadly, our silence becomes an ENABLER that encourages them to do more of what they excel in. Nobody is complaining... so their clandestine activities continue.
And because everyone had their mouth shut, corruption becomes a VIAGRA that treats the politician's erectile monetary dysfunction... their desire for more money... or the contractor's craving for more dough.
We are the nation that plays three monkeys: we see no evil ... we hear no evil ... and we speak no evil.
We are likened to the three monkeys: Mizaru, Iwazaru, and Kikazaru. It is really condescending that we are compared to monkeys ... of all animals ... but can you blame people if they think of us that way? That is how we behave ... that's why?
This observation originated from a Japanese visual proverb illustrating the principle that if a person wants to avoid trouble, they must pretend they have not seen, heard, or spoken evil.
Iyan ang nangyayari sa atin ... nang dahil sa takot na may masamang mangyari sa atin ... umuurong na ang ating mga dila at yagbadidols. Pati mga bibig natin nabusalan. Wala kasing may kauri pa si Trillanes sa ating hanay na sugod lang ng sugod.
Tingnan mo yan kung hindi pa tayo lumubog sa baha at maanod sa agos ng delubyo ng corruption hindi pa tayo magising sa ating mahimbing na pagtulog.
Kung hindi pa tayo nanakawan aba eh tumutulo pa ang ating laway sa ating pagkaidlip ... at mas gusto na lang natin manahimik at ibigay na lang sa iba ang responsibilidad na magsalita. It is better that way ... safe ka sa pakiramdam mo. walang agam-agam ... walang panganib.
Okay lang naman mag-play safe tayo. Kaya lang dahil sa ating pagkaduwag ... pati prinsipyo natin were already pawned sa mapang-abusong kaaway.
Tingnan mo pati ang langit ginigising na tayo ... at sunod sunod pang pinadala ang mga bagyo one after another ... mabuhusan man lang ng tubig-baha ang papungas-pungas at nag-aalangan nating mga damdamin.
Kailangan pa bang liparin ang ating bubungan ... or do we need another epidemic of leptospirosis to knock our heads off to remind us that we are part and parcel of the reason why our leaders need to steal from us in broad daylight?
Di ba dapat tayo ang magnakaw sa kanila ... not the other way around? Tayo ang mga mahirap dito ... tapos nanakawan pa?And do we still need the FLOOD to remind us of our apathy, indifference, and passivity ... the very main reason why we are languishing in the SEA of corruption?
Tama si Miriam Defensor Santiago. Corruption exists because the Filipino society has allowed it to happen.
Huwag na tayong mag-deny. Alam natin kung sino ang mga undesirables sa ating gobyerno ... but because of blind idolatry ... or dahil nagtatrabaho tayo sa kanilang troll farm ... nagiging bulag ... pipi ... at bingi na tayo sa lipunan. Isa tayong mga de-susing manika sa mata nila ... tatalon kung uutusang magtalon.
Reality check lang mga tol ... sino ba tayo sa kanila ... except sa isang bayaran at sunod-sunorang kasambahay? Akala ba natin mabait sila? Tingnan lang natin kung hindi na nila tayo kailangan ... kung hindi sa kangkongan ang bagsak natin?
Ayan ... every election ... wala tayong kapagurang sa pag-suporta sa kanila. Huli na ang pag-protesta natin sa Luneta at sa EDSA ... the harm has been done. At kung nagtulog-tulogan pa tayo ... God forbid ... sana huwag naman tayo yong biktima ng baha sa balita ... or yong part na lang tayo ng statistics na isa tayo sa mga nasawi ... soon to be forgotten at ilibing na lang sa limot.
Isip-isip mga tol.