Friday, October 3, 2025

Then And Now


Then and Now

Noon: May mga politikong hindi naniwala sa DUE PROCESS.

Ngayon: Sila ay humihingi ng DUE PROCESS.

>>>>>>>

Noon: Marami sa kanila ... wala sa bokabularyo ang HUSTISYA . At HUMAN RIGHT.

Ngayon: Bukambibig sa kanila ang paghingi ng HUSTISYA. Kailangan magiging maawain din tayo in order to feel HUMAN para maintindihan fully ang HUMAN RIGHT. Eh bakit noon laganap ang mga EJK ... meron ba silang awa?
>>>>>>>

Noon: Kapag sila ay nasa poder ... they can do anything they want. Even kill or steal.

Ngayon: Kapag sila ay nakulong ... parehong galawan pa rin. They want justice bent to fit their needs and what they believe.

>>>>>>>>>

Noon: Palagi silang exempted sa punishment at nalulusutan ang parusa. IMPUNITY in superlative degree.

Ngayon: Naparusahan man ... patuloy ang pagsinungaling at umaasta pa ring walang kasalanan.

>>>>>>>

Noon: Maraming politiko dahil sa ganid ... pati kaban ng bayan ay pinakialaman.

Ngayon: Nang nagkabistohan na ... deny to death ang lahat. Lahat sila puro at dalisay ... malinis na malinis ... walang bahid at walang dungis.

>>>>>>>

Noon: Maraming politiko ang nasadlak sa kumunoy ng corruption.

Ngayon: Kung sino pa ang corrupt at mga masamang elemento ng lipunan ... ay sila pa ang MAPAGMAGMATAAS at may gana pang MANGARAL. They talk the evils of corruption ... as if they were heaven-sent.

>>>>>>>>

Noon: Kung ang politiko ay naiipit na ... at mainit na ay naiintriga pa ... nananahimik na lang or nagtatago.

Ngayon: Iba na ang political langscape ngayon. Palaban sila ay handa silang harapin ang kanilang mga kritiko. Mistulang mga senador sila conceived without sin ... at nahihiya pa ang ina ng Manunubos sa kanilang pagiging SPOTLESS and IMMACULATE.
>>>>>>>>

Noon: Kapag ang pulitiko ay malapit nang mabuko ... para silang mga pagong nakatago agad ang kanila ulo inside their shell.

Ngayon: Today they have the AUDACITY and they don't have the TEMERITY to voice out what inside themselves. Di bale na kung mapahiya at marami ag nakikinig. Turo sila ng turo sa iba at kusang inilihis at binabaliktad ang narrative palayo sa kanila. They have a gift of words ... at kung gullible ka ... talagang maniwala ka.
>>>>>>>>>

Noon: Kapag naiipit na ang politiko ... marunong silang maglubid ng KASINONGALINGAN.

Ngayon: Upgraded na sila ngayon. Kung hindi gumagamit sila ng FAKE NEWS ... nag-embento pa sila ng mga FAKE WITNESSES ... fully coached and trained to confuse the investigation and fool the Youtube-going public.

>>>>>>>>>

Noon: Ang mga politiko then ... in fairness to them may mga DELICADEZA pa.

Ngayon: I watch one senator having a confrontation with the press on national TV while discussing delicadeza. Too bad ... wala siyang ganon ... tinawag pa niya ng tanga ang mga kausap. That was RUDE and disrespectful to say the least. Masyadong bilib sa sarili.
>>>>>>>>>>

Salamat sa caricature!

No comments:

Post a Comment