Wednesday, November 13, 2024

Mga Oksimoron in Tagalog


Guys ... did you know that even in Tagalog, nahawa na rin ito at nakipagsabayang gumamit ng oksimoron. Ayaw talaga magpaawat ang mga Pinoy. Kung ano ang ginagawa ng iba ... nakikiuso rin sila. More often than not mas nahihigitan pa nga nila ang mga English equivalents nito.

As we said in our previous posts, ang mga oksimoron ay gumagamit ng mga salitang magkasalungat para lalo maging makulay at mapaganda ang kanilang mensaheng gustong iparating.  Nilalaro nila ang mga salita para lalong tumingkad ang mga gustong ihatid na mga madamdaming emosyon at mapanindig balahibong pagsasadula at pakipagpahayag.

Tingnan mo ang mga oksimoron sa listahan.

1. batang ama

2. nakakabinging katahimikan

3. santong kabayo

4. masakit na masarap

5. totoong kasinungalingan

6. matandang bata

7. edukadong palengkero

8. maginoo pero bastos

9. patay na buhay

10. klarong malabo

11. papalit-palit palipat-lipat

12. kamay na bakal

13. kulang labis

14. nakakiliting kirot

15. siguradong hindi

16. matandang dalaga

17. desenteng balahura

18. kasal ... kasali ...  kasalo

19. lumang balita

20. banal na aso

21. mister-yosong miss

22. misis na miss

No comments:

Post a Comment