Tuesday, December 31, 2024
New Years Resolution
Ano ba yan ... kung NEW YEAR ... ang wish ng lahat para sa iyo ay MAGBAGO ka.
Kapag BIRTHDAY mo naman ... bulong ng lahat sa iyo ... sana huwag kang MAGBABAGO.
Ano ba ang sundin ko? Nagugulohan na ako sa inyo ... mga perpektong tao!
This New Years Eve
Kung sino man ang naka-isip ng pakulong ito ... hats off ako sa iyo.
Bring some little table manners and etiquette with you this New Year's Eve. Totoo naman eh ... kaunti lang naman niyan paano na lang ang ibang bisita?
Lalo na kung masarap ang pagkaluto ... baka hindi lang hanggang dalawa ang kaya mo?
Kung napasobra ka ... bawiin mo na lang by saying: "Masarap yong Shanghai ... pa-share naman ng recipe!"
Sa sinabi mong yon ... mapapangiti siya. At gaganda ang mood. Pinuri mo ba naman ang pagkaluto. Siguro masarap nga.
Gusto ka pang tanongin ng "Talaga?" Solve na ang problem mo ... at guess ... baka alokin ka pa for more Shanghai. Bahala na yong ibang guests.
One Liner
Bago matapos ang taon ... kung ikaw ay lugmok at durog na durog ... balikan mo ang pangyayari at tanongin ang sarili:
-Sino ang mga taong TUMULONG sa iyo.
-Sino ang mga taong NAG-IWAN sa iyo.
-At the most important of all ... sino ang tao ang NAGLAGAY sa iyo sa sitwasyong durog ka na ... nagiging lugmok ka pa!
From there ... BUMANGON ka ... and ... move on.


