Thursday, June 6, 2024

Political Shorts


Bakit may mga politikong katulad nito?

Bakit kung sila ay INI-IMTAHAN ng senado o Malacanang ... hindi sila DUMADALO? May iniiwasan ba?

Kung dumalo naman ... wala kang mahita sa kanya.  Ang mga sagot ay deceptive at makikitang mong he is avoiding the issue. "Hindi ko po maaalala your honor."


                            ***************************

At bakit kung may mga rally o pagtitipon na walang IMBITASYON ... NAGSUSUMIKSIK sila. Hindi mo talaga inaasahang a-attend ... pero nandoon nga, May gusto silang patunayan?

At bakit yong mga pagkataon na dapat nandoon sila ... ABSENT sila. At yong mga pagtitipon na hindi kailangan nandoon sila ... aba milagrong ... PRESENT? 

                          ***************************

Huwag Nang Magtanong!


Translation ng PORKCHOP in Tagalog? Huwag ng lumayo tol ... simple lang ang sagot ... PIGHATI.

Porkchop is a loin slice of a pig meat. Kapag hiniwa mo ang baboy ... hinati mo ang baboy ... kaya PIG-HATI. That simple. Huwag nang magtanong kung bakit ... please ... Huwag nang magusisa pa .... basta tanggapin ninyo na lang. Ang makulit may parusa.

Basta the closest I can think of why porkchop is pighati ...is when you eat too much of it ... nagka-stroke ka ... hindi ka makalakad ... ang daming hospital bills ... at nasa kama ka lang.

Showbiz Shorts


Kanta ni Moira: PINAGTAGPO pero hindi TINADHANA ...

Kanta ni Moira waiting for its debut: PINA-UTANG pero hindi NAGBAYAD.