Friday, June 9, 2023

Health is Wealth


Count your blessings. Hindi lahat ng grasya at biyaya ay pera. Take for instance your HEALTH. Biyaya yan.

Ewan ko ba ... hindi ko maintiendihan ang logic ng isang tao na ang bigay na biyaya sa kanya ay ... GOOD Health.

Maganda nga ang estado ng kalusugan mo ... eh bakit naghahanap ka ng martilyo na pamalo sa ulo mo. Physically you are A-okay ... pero your mental health is in question. Bakit ka umiinom, naninigarilyo and why are you into drugs? Gusto mo ng cancer? Ng cirrhosis of the liver? O gusto mo lang ng panandaliang aliw?

Yan pala ang hanap mo eh. Ituloy mo lang yan ... one of these days babagsak ang Damocles sword ... ang bagay na hindi mo inaasam at pinapangarap ... ay kusang lalapit sa iyo.

Ginusto mo ... e di ibigay.  No problem!

Irony of Ironies


And here is another irony? Walang nagsabi sa iyo na uminom ka ... or maninigarilyo ... or mag-drugs. Decision mo yan ... walang nagpilit sa iyo. Too many good-hearted souls reminded you ... how you abused your health and your freedom.  Pero ano ang sabi mo? "Buhay ko po ito."

And then nagkasakit ka nga... cancer of the lungs. The realization that you are not after all invincible nags you to death. Of all people, sa isang taong hindi marunong makinig ... umiiyak din pala. At sa bibig mo mismo nanggaling ... gusto mong gumaling ... at kailangan magpahospital. And you are pleading for second chances?

Stupid much? Kung kailan Stage 4 na iyong cancer mo ... gusto mo pang gumaling? Nagiisip ka ba? Hospital?  Hindi biro ang magpahospital. You will leave your family in a total financial mess ... na balewala lang sa iyo ... na parang isang LARO lang.

Ang pagsisisi talaga ay natatagpuan sa huling chapter ng buhay ng bawat tao.  Aanhin mo man ang good health ... kung hindi ka na good health ... aber?

Indeed. those who play with MATCHSTICKS ... are playing with FIRE! 

Moral lesson?  Don't play with FIRE if you don't want to get BURNED!