Saturday, March 4, 2023

Pinoy Commentaries



Having a family of your own ... ay paglagay ba nang sarili sa TAHIMIK?

Marami ang nabudol sa mga salitang yan.  Di ba mas lalo pang nagiging MAGULO? Aminin!

Kasal or Sakal?


The thought above made me ask: Ang KASAL ba ay isang SAKAL sa dalawang pusong nagsumpaaan that they will live happily ever after? Ang kasalan ba na naganap sa simbahan ay parang isang kabuki theater lang charcterized more of drama and showmanship ... rather than content?

Di ba ilagay mo ang sarili sa tahimik ... may tahimik ba sa sakal? Not unless matigok at matuloyan ang sinasakal ... talagang forever tahimik na.

Tahimik ba yong araw-araw may nagsasabong at kung mag-away dinig ng buong neigborhood ang inyong mga sekreto at pinagkatago-tagong skeletons in your locker? Tahimik nga siguro sabihin na  hindi kayo nagpapansinan at hindi nagkikibuan? Pero ang katahimikan na ating tinumtumbok dito ay yong kapanatagan ng iyong diwa at kaisipan ... at hindi yong parang silent movie ni Charlie Chaplain na walang verbal na paguusap sa ating cast of characters.

Isang Tanong ... Isang Sagot


Mga tanong na mahirap sagotin (o walang sagot)

Matiisin ka at pasensiyoso at kaya mong mag-IPON ng SAMA NG LOOB ... pero bakit bagsak ka pagdating sa pag-IPON ng PERA? Ano ang pinagka-iba?